About Me
- T'reb Malate
- Tacloban City, Eastern Visayas, Philippines
- lost in translation amid life's noisy and crowded alleys.
Thursday, February 19, 2009
ako
Siyempre sasabihin mong weh anu naman kong ganun ako, hihinto ba ang global warming effect sa mundo kung isaulo nyo ang enumeration ko? Ewan ko. Malay natin. Malay mo may gift akong 'divine intervention". Hehe.
Basahin na nga lang kasi.
1. I sleep on prone position. I know it is weird and unconventional but it is just how I keep my slumber. At consistent yan. The same position buong gabi. Kaya madalas pag gising ko, parang may konting stiff neck ako. Hehe.
2. I love ice cream. Trip ko syang palaman sa tinapay. Hindi nga, totoo! Kung food worship ng iba ang ice cream lalo na sa mga depress-depresan, ako naman iba. ke depressed ako o hindi eh talagang fanatic ako sa ice cream! E sa masarap syang palaman eh, bakit ba?
Ang normal na pagkain ng ice cream ay pagnamnam nito sa loob ng bibig habang nagpipiyesta ang mga taste buds mo hanggang matunaw patungong lalamunan. Pero ako, trip ko yung pakiramdam na kinakagat mo ang tinapay at sumasabog ang tamis, lasa at lamig sa ngipin mo hanggang gilagid. wala lang. jina-justify ko lang.
3. I have an unusual bathroom ritual lalo na pag napopopo ako. Before I take the royal seat, binubuksan ko ng tamang-tama lang ang shower at pati ang lavatory, syempre naka-cover naman, hanggang mapuno na sya at umapaw. Saka palang ako uupo sa royal bowl. At take note, I don’t sit. I squat on it at ipinagmamalaki ko yan. Nothing fancy I know. I just feel comfortable on that position. Feeling ko mas malakas ako at mas sigurado ang buwelo in case masyadong malaki ang lalabas na sorpresa. Try nyo lang.
4. Mas feel ko pag umuulan. Hindi naman sa pawisin ako at hate ko ang mangamoy daing sa ilalim ng araw, mas gusto ko lang ang ambon at mga pabugso-bugsong ulan kasi nagkakaroon ako ng legitimate reasons na isuot ang mga jacket ko. hahahah. ang selfish di ba! eh syempre lampas sandosena na yata ang jacket ko, yung iba may hood, yung iba wala. ang nakakainis lang kasi minsan ang gang-gana kong magbihis kasi alam kong umaambon. alam mo yung feeling na ang sarap buksan ang drawer mo at kunyari i-scan mo ang nakahanger mong mga jacket para makapili. at tapos habang nakasakay ka na sa multicab o kaya sa tricycle papuntang trabaho, at feel mong magmalaki sa mga katabi at kaharap mo sa sasakyan na 'well, anu kayo. mabasa kayo ngayon sa ambon at mamatay sa lamig dahil ako ang ganda ko at prepared ako". tapos biglang mahahawi ang mga nangingitim na ulap at liliwanag ang kalangitan. parang sa commercial ng sprite dati. yung may linyang 'anu ang gaagwin mo?' hehehe.
eh bakit ba. fashion saver din naman ang jacket kasi it can easily complement one plain T-shirt or top at bongga na ang porma mo bigla. pero syempre, i may be stubborn sometimes pero hindi pinangarap malitson sa init para lang pangatawanan ang pormang jaket ko. heheh.
i still love the rain. mas senti ang mood at mas feel kong magsulat, magbasa at makalikot ng mga articrafts ko.i love the rain. kaya love din ako ng mga farmers sa bukid.
5. trip kong iprito ang paksiw, isda man o baboy. sabi ng nanay ko, habang pinagbubuntis nya ko, nakahiligan nyang lumamon ng pritong isda. pero sa pinya at sa dalandan talaga ako pinaglihi. kaya mataas ang dosage ko sa tamis-asim ng pinyang Ormoc at dalandan. at nangangasim-laway ako habang sinusulat ko ito.
masarap talaga ang prito. minsan nga imbyerna ang mga kasama ko sa staff house kasi deadma ako sa ulam na niluto ni Manang kesahodang calderetang baka yan o calamares na dinosaur dahil ang hinahanap ng bibig ko ay ang simpleng pritong isda lamang. tapos ako pa daw ang pinaka maarte sa ming lahat. Ewan!
6. mahilig ako sa kape. actually, understatement yan kasi ADIK ako sa kape. sa umaga, hindi ako makakain ng breakfast kung wala pang kapeng dumadaloy sa lalamunan ko. ke alas onse ng umaga na ko magising at lunch break na ang topic ng mga kasama ko sa bahay.
and when I am compelled to go about with my activity for the day kahit wala pang kape, pagsapit ng alas tres para na akong bangag na aso na hindi mapakali at makapag decide kung sa pader o sa gulong ng kotse ba iihi.alam mo yun? i just can't do without coffee.
may sarili akong timpla. pasintabi sa 'think tank' ng mga coffee companies pero talagang wa epek sakin ang mga 3-in-1 chuva na mga ganyan. Mas gusto kong ako lang ang magtitimpla ng sarili kong combination ng kape, cream at sugar. gusto ko yung lasa na nag-aagaw yung pait ng kape, linamnam ng cream at tamis ng asukal. at syempre dahil exxaaaddddjjjjj ang coffee ko, hate na ulit ako nga tao sa mesa.
na-try ko na rin pag haluin ang Ovaltine at kape. O kaya Milo at kape.Sinubukan ko na din ang tableya, cacao powder, at kape...minsan din tinutunaw ko ang choknat sa kape.wala lang, so far buhay pa ako. at sinasabi ko sa inyo, masarap sya. iba sa mga kapeng nilalantakan ko at ng mga friends ko sa Jose Karlo, sa Bo's o kaya sa Gloria Jeans.
siguro ganun talaga ang kalakaran anu. sarili mo lang ang makakaintindi sa mga gusto at sa mga hindi mo gusto, sa mga craving mo, wierd man o kahit abnormal, and when you meet people will be able to understand all these peculiar stuff about you eh plus na lang yun.
salamat
i chanced with this poem today from an old,old file in the desktop. i thought it is still mushy till now though I penned it exactly two July years ago. i think one beautiful side of writing a poem is that one gets to both express and impress genuine feelings through it despite broken thoughts and broken sentences. oftentimes, it just does not make sense to the alien reader anymore but however means heaven and earth to the one who wrote it.
yes, hearts' day is over i know but i am posting it because i just love to. nothing more, nothing less. i guess there will be no other valid reason than just that. lol.
and to you, wherever you are now, thank you. thank you.
Thank you..
sa lahat ng ginagawa mo para sa akin
sa pagiintindi sa mga sumpong ko
sa pagbibigay ng mga yakap na totoo
sa pgluluto mo ng arrozcaldo
sa pagtatanong kung ok lang ako.
Thank you..
dahil naging matapang ako
dahil sabi mo iba ako sa lahat ng nakilala mo
dahil ramdam ko ang pag aalaga mo
dahil alam kong totoo ang pagmamahal mo.
Thank you..
kahit hindi ako perpekto, mahalaga ako sa'yo
kahit kaya mong mgloko, pinipili mo pa ring hindi
kahit mahirap at walang kasiguraduhan tayo
nakikipusta ka sa pagbabakasakaling tayo nga sa huli.
kahit minsan may duda tayo.
Thank you..
hindi man lubos
hindi man talos
hindi man akma
ngunit ito ang paraan na alam ko
at ito ang totoo: i love you.
23 July 2007