Friday, July 3, 2009

kuwan: muling pagpapakilala, matapos ang mahabang pagkakatulog sa kawalan

Si T'reb, para sa mga hindi lubos na nakakakilala ay..


Nagsusulat sa papel, sa tissue, sa post-it o minsan sa ‘write message’ ng mumurahing cellphone nya para hindi makalimutan ang biglang umusbong na bagong ideya, kakatwa man, kakaiba o karaniwan.


Nagsusulat para makagsalita at mabigkas ang mga nais sabihin.


Nagsusulat para kunyari matalino ang dating sa mga kaibigan at ‘wide-reader.’


Nagsusulat kahit walang dahilan.


Nagsusulat kahit walang maisulat.


Nagsusulat at magsusulat ng kahit na anu:


Pag-ibig.


Pagkabigo.


Tagumpay.


Pagkatalo at pagbangon.


Emosyon tulad ng galit,ganti, gilas at pagpupunyagi.


Nagsusulat at magsusulat kahit ang lahat ay wala ng katuturan pa.