Sunday, April 12, 2009

'sang pares ng tsinelas


Noong kabataan ko, nauso ang tsinelas na gawa sa alpombra. Ito yung tsinelas na parang mabalahibo at parang velvet yung material na ginamit sa paggawa kaya masarap at malambot sa paa. Ewan ko kung sadyang ganun ang design ng tsinelas na alpombra pero di ko ma-ekspleka sa sarili ko kung bakit ganun ang design nya. Ito yung tipong ok lang magkapalit ang kaliwa at kanan na pares kasi nga pareho lang ang design at hitsura. Hindi tulad ng karaniwang sapin sa paa – bakya, sapatos, sandalyas at iba pang uri ng tsinelas kung saan alam mo kung alin ang para sa kaliwang paa at kanang paa. Ang sa alpombra, hindi. Pwede mong pagpalit-palitin ng gamit at hindi mo mararamdaman ang pagkakaiba.



At dahil nakahiligan kong suotin ang mga tsinelas na hindi sakin at mas malaki pa sa sukat ng paa ko, minsan nakakapagsuot ako ng alpombrang tsinelas ng mga pinsan ko. Gusto ko kasi yung feeling na mabigat ang sapin sa paa. Parang musika sa tenga ko ang mayabang na ingay ng mga yabag sa sahig gawa ng alpombra sa tuwing ako’y maglalakad.



Sa panahon naman ng aking pagsibol sa kabataan, nauso ang makabagong uri ng tsinelas na tinawag na jelly flip flops. Ito yung may mga matitingkad na kulay ng pastel at may banayad na lambot sa paa. Dito na nauso ang paggamit ng tsinelas sa pagsisimba at pamamasyal sa mall.



Dumating ang impluwensyang Latino sa Pilipinas at napasok ang havaianas flip-flops. Unang sinuot ito sa harap ng telebisyon ni Bamboo habang tumutugtog sa isang concert. Si Heart Evangelista naman, dating Vj ng MYX, ay panatiko na rin ng havainas noong panahong yun.



Gahol sa oras mula sa isang taping, napilitan syang mag-tape ng live sa MYX habang nakasuot ng lace spaghetti strap dress na diumano’y pantulog nya at ng havainas. Dahil wala ng panahon para mag-ayos ng at magpalit, tuoly lang ang live shoot. Dito sumikat ang paggamit ng tsinelas bilang pamalit sa sapatos bilang bagong dagdag sa fashion style ng kabataang Pinoy. Naging malakas ang impluwensya ng Brazilian product na ito na parehong mga estudyante at yuppies ang gumagamit sa mga lakaran at sa araw-araw na gawain , liban na lang sa mga pormal na okasyon.




Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa tsinelas. Ako man ay may apat na pares ng tsinelas na pambahay. Kung praktikalidad lang ang pag-uusapan, panalo na ito. Ito ay madaling isuot at presko sa paa at madaling ibagay sa maraming klase ng damit.




Pero iba ang turing ng namayapang lolo ko sa tsinelas. Nang mauso daw ang tsinelas ng kapanahunan nya ay laking biyaya daw ito kumpara sa hirap at bigat ng bakyang noo’y nasa kasikatan pa. Ngunit para sa kanya, ang tsinelas raw ay para sa bahay lamang. At hindi ito nararapat isuot kung lalabas ng bahay dahil ang mga lakaran sa labas ng bahay ay tungkulin na ng sapatos, o kahit ng mga sandalyas man lang. Espesyal daw kasi ang dulot sa mga pagal na paa ng tsinelas.




Dagdag pa ng lolo ko, ang pag-ibig daw ay parang ganun. Parang isang malambot na pares ng tsinelas sa bahay. Oo nga at ito ay pambahay lang ngunit ito ang pinakaunang hinahanap pag-uwi mo sa bahay upang magbigay ng ibang uri ng ginhawa sa paa.



Ang tsinelas tulad din ng taong tunay mong minamahal ay naghihintay lang sa bahay. Ngunit gaano man kapayak o kasalimuot ang mga pangyayari sa buong araw mo, gaano man kagaganda, kagagwapo o kahali-halina ng mga taong nakilala mo, iisa at iisa lang ang pilit mong uuwian at hahanap-hanapin pag-uwi mo.



Ang pag-ibig habang tumatagal, lalong lumalalim at pinagtitibay ng panahon. Tulad ng ‘sang pares ng tsinelas, habang ginagamit, lalong lumalambot, lalong nagiging maginhawa sa paa.



Ang pagmamahal sa isang tao, sa pagdaan ng panahon ay nagiging isang pamilyar na emosyon na kayang matukoy mula sa iba pang pakiramdam ng tao – galit, pagkamuhi, lungkot, saya’t tuwa, ligaya o maging ng karaniwang libog lang. Tulad ng ‘sang pares ng tsinelas, sa pagdaan ng mga araw at gabi, linggo’t buwan, o maging ng taon ay nagiging isang pamilyar na bahagi na ito ng paa. May kakaibang hagod sa balat at alam ng nagmamay-ari ang pakiramdam ng kanyang tsinelas. Alam nya ang malakutson o magaspang na mga bahagi ng tsinelas nya, ipikit man ang kanyang mga mata. Maging sa dilim.



Mahalo man ang kanyang pares ng tsinelas sa isang kumpol ng mga tsinelas, o mahiwalay ang isang bahagi, alam nya kung saan ito hahanapin ng walang pag-aalala. Tulad ng tunay at dalisay na pag-ibig, babalik at babalik ito sa tunay na kasuyong puso.




Iba-iba man ang turing na bawat tao sa kung anumang uri ng tsinelas ang susuotin nya, tanging sya lang ang may alam kung alin ang magbibigay sa kanya ng kakaibang ginhawa sa paa mula sa buong araw na pagkakabilanggo sa sapatos.



At pag nagkataon, kapag nahanap mo na ang pares ng tsinelas na para sa’yo, wala ng dahilan upang maglakad ng nakayapak sa malamig na sahig. Wala ng rason upang manghiram sa iba. Wala na.


Saturday, April 11, 2009

why let go?


There comes a time in your life when you just have to let loose of the tangible things or let go of that special someone who enormously matters to you, so much that you almost lost yourself in the process of making that person feel significant, if not loved and beloved.



You do that not because you want to.



But more importantly, you undertake the long and excruciating agony of letting go because you have to and for the sane reason that letting go is the only right decision that you can do to liberate yourself from the self-inflicted complication.



While it is true that you can shower him with so much love,
Selfless caring and even a vital part of your heart, you cannot coerce him to love you back. Or give you back the same things you have shown him, let alone the littlest genuine caring, or loving.



You can buy his time, but not his attention. You can buy his attention, but not his wandering thoughts. You can buy his train of thoughts, but not his most sincere delivery of what truly unfolds when you two are not together.



You love him. You care for him. But you cannot and will not be able to stop him from leaving you, if he wants to be with someone else instead.



Now that is where the real magic of love and loving truly lies.



In loving without boundaries.
In seeing what is beyond the physical.
Even in times that the soul of love is already trampled on.



But then again, you let loose. You just have to let go, no matter how it hurts. And the only consolation you can get is to appease yourself in the belief that all things will work for what is good.



And for what it is worth, letting go could actually be saving you from the wrong person after all.





I, recommend getting your heart trampled on to anyone, yeah
I, recommend walking around naked in your living room, yeah

You live you learn, you love you learn
You cry you learn, you lose you learn
You bleed you learn, you scream you learn


You grieve you learn, you choke you learn
You laugh you learn, you choose you learn
You pray you learn, you ask you learn
You live you learn

-You Learn,
Alanis Morisette

Thursday, April 9, 2009

alin?


Likas sa tao ang pagpili. Kasama na dito ang pamimili ng kung anumang higit na mas magaan o mas magbibigay saya o mapagkukunan ng lakas na mga bagay, lunan o tao, personal man na kilala o hindi.



Minsan sa buhay mo, hindi mo man gustuhin o kahit sabihin mo pa man na dahil matalino ka kung kaya’t hindi mo na alintana ang mga kaakibat na suliranin dala ng pamimili, natatapat ka sa pintuan ng mga pagkakataon at panahon na gaano man kahirap sa loob-loob mo o kasakit sa iyong natitirang ego, kailangan talagang mamili ka dahil yun at yun lang ang pinaka-una at pinaka epektibong paraan sa paglaya.



Minsan kahit simpleng tanong lang at siyempre simpleng sagot lang ang kailangan ay doon pa tayo nabobobo.



Alin ang mas masakit : ang magmahal ng taong alam mong may mahal na iba o ang umasang balang-araw, suntok man sa buwan tingnan, ay mamahalin ka rin nya? Di man sa paraang inaasahan at pinakaaasam mo, at least sa paraang alam at kaya lang ng inirog mo.



Alin ang mas matimbang: ang sabihing mahalaga ang isang tao sa’yo dahil yun ang tama o ang sabihing mahal mo ang isang tao dahil yun ang totoo?



Alin ang mas madali: ang mahalin ang taong mahal mo ngunit alam mong hindi ka mahal o ang taong hindi mo kayang mahalin ngunit mahal na mahal ka?



Alin ang mas may kabuluhan: ang kasalukuyang relasyon na umabot na ng halos limang taong puno ng away-bati at ng mga gabing ayaw kang patulugin dahil naninimbang ka kung mahal ka ba talaga nya tulad ng mga malamlam nyang mga pangako o ang masilakbong pag-ibig na tumubo lang sa talulot ng bulaklak ng bagong natagpuang pagkakaibigan?



Alin?